TATANGGALING MGA BENEPISYARYO NG 4PS SA REGION 1, UMABOT SA HALOS 50K

Aabot sa halos limampung libo o 50k ang mga benepisyaryo sa ilalim ng programang 4p’s ng Department of Social Welfare and Development ang tatanggalin na sa listahan.
Ito ay may porsyentong 22.97 percent na nakatakdang alisin na ng DSWD Region 1, dahilan ang hindi na sila pasok sa mga kondisyon para mapabilang sa 4Ps.
Ayon sa tanggapan ng DSWD Region 1, ang mga aalising mga indibidwal ay may kakayahan nang magprovide sa edukasyon at kalusugan ng kanilang mga anak. Ang ibang sitwasyon pa ay maaaring wala na silang mga kasamang below 18yrs at wala na ring buntis sa kanilang pamilya.

Samantala, nagpapatuloy din sa iba’t-ibang bayan pa sa lalawigan ng Pangasinan ang validation ukol sa 4Ps beneficiaries. |ifmnews
Facebook Comments