Manila, Philippines – Tatanggap ang gobyerno ng libu-libong uniformed personnel sa ilalim ng Department of Interior and Local Government sa susunod na taon.
Aabot sa kabuuang 15 libong mga pulis, bumbero at jailguards ang iha-hire ng pamahalaan sa 2019.
Sa datus na isinumite sa House Appropriations Committee, 10,000 bagong Police Officer 1 ang kakailanganin ng PNP sa 2019.
Habang nasa 2,000 mga bagong Jail Officer 1 ang kukunin sa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology.
Nasa 3,000 naman ang mga iha-hire na bagong Fire Officer 1 ng Bureau of Fore Protection.
Maliban sa pagkuha ng mga bagong tauhan ng PNP, BJMP at BFP, plano din ang pagsasaayos ng mga imprastraktura.
Target ng BFP na makapagpatayo ng 52 fire stations at bumili ng 56 na firetrucks pati breathing apparatus ng mga bumbero.
Ang PNP ay magpapatayo din ng dagdag na police stations at bibili ng mga bagong sasakyan, baril, communication equipment at iba pang gamit sa pagpapatuloy ng maigting na kampanya laban sa droga.
Samantala, ang BJMP ay nakaplano ding magpatayo ng mga bagong kulungan sa ibat ibang panig ng bansa.