Manila, Philippines – Nag-alok ang bansang Jordan ng dalawang military helicopters sa Pilipinas sa kabila ng tirada ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Prince Zeid Ra’ad Al-Hussein.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, tumungo na sa Jordan si National Security Adviser Hermogenes Esperon para pormal na tanggapin ang military equipment.
Aminado si Duterte, na pinayuhan siya ni Esperon na tumahimik muna tungkol kay Al-Hussein na siyang United Nations Human Rights Chief para maiwasang madiskaril ang military aid.
Matatandaang binanatan ng Pangulo si Al-Hussein matapos kwestyunin ang kanyang mental health at pinayuhang sumailalim sa psychiatric evaluation.
Facebook Comments