Manila, Philippines – Nakatakdang tanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw sa Malacañang ang credentials ng kanyang kaibigan na si Sinyo Harry Sarundajang, ang bagong Indonesian ambassador.
Si Sarundajang ay pinili ni Indonesian Presidential Joko Widodo bilang Ambassador to the Philippines, Palau at ng Marshall Islands nitong Pebrero.
Si Duterte at Sarundajang ay kapwa 73-anyos at matalik silang magkaibigan.
Sinuportahan nina Duterte at Sarundajang ang Brunei Indonesia Malaysia at the Philippines – East ASEAN Growth Area Geo-Economic Grouping noong early 1990s.
Facebook Comments