TATAPATAN | PRRD, bubuo ng sparrow armed group kontra NPA

350

Bubuo si Pangulong Rodrigo Duterte ng sariling armadong unit na ipangtatapat sa sparrow unit ng New People’s Army (NPA).

Sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa Camp Rajah Sikatuna sa Carmen, Bohol para sa turn-over ng AFP at PNP housing unit, sinabi nito na ipangtatapat niya ang kanyang Duterte ‘death squad’ laban sa ‘hit squad’ ng NPA.

Mga sibilyan aniya ang bubuo sa kanyang armadong unit.

Wala aniyang ibang gagawin ang mga miyembro ng Duterte death squad kundi bantayan ang mga istambay at galaw ng mga NPA member.

Kontento na ang Pangulo kung makakapatay ang kanyang DDS ng isang rebelde o makapag-identify ng kalaban.

Giit pa ng Pangulo na tatapatan niya ang talento ng NPA na walang ibang ginawa kundi ang pumatay ng tao at eksperto sa asasinasyon.

Dagdag pa nito, patuloy niyang pinagsusumikapang isulong ang kapayapaan pero patuloy namang pinapatay ng NPA ang mga pulis at sundalo.

Facebook Comments

From Advertisers