TATAPUSIN | Asec. Mocha Uson, sumangayon na tuldukan ang di pagkakaunawaan sa pagitan nila ni Kris Aquino, ayon kay SAP Go

Manila, Philippines – Ipinarating na ni Pangulong Rodrigo Duterte at SAP Bong Go ang kanilang paumanhin kay Kris Aquino, kaugnay sa naging post ni PCOO Asec Mocha Uson ng larawnan ni dating Sen Ninoy Aquino na hinalikan ng isang babae.

Aminado si SAP Bong Go na may mga nasaktan sa naging pagtatanggol ni Communications Secretary Mocha Uson sa paghalik ni pangulong duterte sa pinay ofw sa south korea.

Sa naging paguusap aniya nila ni Asec Uson, pumayag umano ito na tulukan na ang issue at huwag nang hayaan pa ang politika na hatiin ang bansa.


Ayon kay Go, hindi na rin nila kailangan pangsabihin kay Uson ang gagawin nito dahil malaki na ito at alam na niya ang tama at mali.

Samantala, ayon kay Bong Go, lagda na lamang ng Pangulo ang hinihintay para sa opisyal na deklarasyon na walang pasok ang June 15 o ang selebrasyon ng Eid’l Fitr ng mga kapatid nating Muslim.

Facebook Comments