TATAPUSIN NA | Rekomendasyong pagsibak sa serbisyo sa 67 police officers na sangkot sa katiwalian, dedesisyunan na bago matapos ang buwan Enero

Manila, Philippines – Dedesisyunan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng National Police Commission na pagsibak sa 67 Police officers na nasangkot sa iba’t-ibang katiwalian.

Sa press briefing na isinagawa sa Camp Crame sinabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na nakausap nya si Atty Rogelio Casurao ang Vice Chairman and Executive Officer ng NAPOLCOM at sinabi nitong bago matapos ang buwang ito ay tatapusin ang isyung ito.

Naniniwala naman si Dela Rosa na aaprobahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng NAPOLCOM.


Pinakamataas na ranggo na masisibak ay hanggang Superintendent at Senior Superintendent.

Karamihan sa mga kaso ng 67 police officers na ito ay may kinalaman sa iligal na droga, grave misconduct at Absence Without Official Leave o AWOL.

Facebook Comments