Manila, Philippines – Posibleng ngayong araw ay tapusin na sa bicameral conference committee ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN.
Umaasa si House Committee on Ways and Means Chairman Dakila Cua na magkakaroon na rin sila ng final bicameral committee version ng tax reform bago mag-Christmas break.
Ayon naman kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, target na maratipikahan ang tax reform bill hanggang Miyerkules, ang huling araw ng sesyon at saka naman ito iaakyat sa Malacañang para pirmahan ng pangulo.
Pero, may mga probisyon pa rin ng batas na pinagtatalunan ang mga mambabatas tulad ng coal tax, tax exemption sa socialized housing at iba.
Sa ngayon ay nasa 90% na ng TRAIN ang napagkasundo na ng Kamara at Senado.
Facebook Comments