Manila, Philippines – May bawas sa singil ng tubig ang maynilad at ManilaWater simula sa Abril.Ayon kay Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Chief RegulatorPatrick Ty, bunsod ito ng galaw sa palitan ng piso kontra dolyar,Nasa P0.04 ang bawas ng Manila Water sa kada cubic meter ng tubig habangP0.01 naman sa kada cubic meter ng Maynilad.Sa kabila nito, sinabi naman ni Ty na dapat paghandaan ng mga konsumer sakalagitnaan ng taon ang hirit na dagdag-singil ng Maynilad at Manila Waterkaugnay sa rate rebasing period na sakop ang 2018 hanggang 2022.Sa taya ng MWSS, papalo ng 33.3 porsiyentong dagdag-singil ang gustongipasa ng mga water concessionaire sa mga konsumer.Gayunman, sasalang pa sa public hearing ang hirit na dagdag-singil bago itodesisyonan ng MWSS sa buwan ng Hulyo o Agosto.<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
TATAPYASAN | Bawas singil sa tubig, ipatutupad sa susunod na buwan
Facebook Comments