TATAPYASAN | Bigtime rollback sa presyo ng langis – aarangkada bukas!

Manila, Philippines – Matapos ang tatlong linggong sunud-sunod na oil price hike bigtime oil price rollback naman ang sasalubong sa mga motorista bukas.

Pisong bawas-presyo sa kada litro ng diesel ang ipatutupad ng Seaoil Philippines Inc., Chevron Philippines Inc. (CALTEX), at Pilipinas Shell Petroleum, habang p0.70 sa gasolina at P1.25 sa kerosene.

Parehong price adjustment din ang ipatutupad ng Petro Gazz, PTT Philippines Corp. at Phoenix Petroleum maliban sa kerosene.


Epektibo alas 12:01 ng hatinggabi ang bawas-presyo ng Seaoil habang sabay-sabay na magpapatupad ng rollback ang iba pang kompanya ng langis.

Anumang oras ngayong araw, inaasahang mag-aanunsyo na rin ng kanilang price rollback ang iba pang oil company.

Facebook Comments