TATAPYASAN | Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, ipatutupad ngayong araw

Manila, Philippines – Magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong
petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Epektibo alas 6 ng umaga, magtataas ng p0.40 sa kada litro ng diesel ang
Pilipinas Shell, Eastern Petroleum, Phoenix Petroleum, Total, at Seaoil
Philippines.

May tapyas naman silang P0.55 sa kada litro ng kerosene habang walang
naging pagbabago sa presyo ng gasolina.


Ang nasabing oil price adjustment ay bunsod pa rin ng presyuhan sa world
market.

Facebook Comments