TATAPYASAN | Ikalawang sunod na oil price rollback, ipatutupad ngayong araw

Manila, Philippines – Sa ikalawang sunod na linggo, magpapatupad ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis ngayong araw.

Aabot sa P0.60 per liter ang kaltas sa presyo ng diesel at kerosene habang nasa P0.55 ang bawas sa kada litro ng gasolina.

Kabilang sa mga magpapatupad ng rollback ang Seaoil, PTT, Caltex, Petron, Shell, Total, Eastern at Phoenix Petroleum at Flying V.


Ang nasabing rollback ay bunsod ng presyuhan sa world market.

Facebook Comments