TATAPYASAN | Ilang kompanya ng langis, nagsimula nang magbigay ng diskuwento

Manila, Philippines – Sinimulan na ng Phoenix at Shell na magbigay ng diskuwento sa langis para sa mga Public Utility Vehicle (PUV) at mga Transport Network Company (TNC).

Ayon kay Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella, dalawang piso kada litro ang diskuwento sa gasolina at piso kada litro sa diesel sa ilang piling gasolinahan.

Kasali sa diskuwento sa langis ang mga pumapasadang jeep, tricycle, taxi, UV express, at mga TNC na grab at uber na hinihingan ng pruweba gaya ng prangkisa.


Sa kabila ng diskuwento, iginiit ng isang grupo ng jeepney operators at drivers na itutuloy nila ang hirit na taas-pasahe.

Paliwanag naman ni Fuentebbela, hindi pa batid kung kailan maibibigay ang fuel vouchers sa mga pumapasadang jeepney para na rin maibsan ang epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN).

Facebook Comments