Manila, Philippines – Inaasahang bababa na ng piso hanggang dalawang piso ang presyo ng commercial rice kada kilo.
Ayon kay National Food Authority (NFA) Administrator Jason Aquino, ito ay kapag naipadala na sa merkado ang lahat ng inangkat na NFA rice mula Thailand at Vietnam.
Pero sabi ni Aquino, nagkakaproblema pa sila dahil naiipit pa sa port ang ilang mga inangkat na bigas kaya at may ilang lugar pa sa bansa ang wala pang supply ng NFA rice.
Maliban sa bigas, asahan na rin ang pagbaba ng presyo ng asukal.
Paliwanag ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Engineer Hermenegildo Serafica, ang pagtaas ng presyo ng asukal sa merkado ay pananamantala lang ng mga commercial player.
Facebook Comments