Manila, Philippines – Sa ikatlong sunod na linggo, asahan na ang isa pang bigtime oil price rollback sa susunod na linggo.
Sa pagtaya mula sa oil industry sources, maglalaro sa P1.60 hanggang P1.75 kada litro ang mababawas sa presyo ng gasolina.
Habang posibleng mabawasan ng P0.70 hanggang P0.80 ang kada litro ng diesel.
Nasa P0.50 hanggang P0.60 kada litro naman ang inaasahang bawas sa kerosene.
Ayon kay Energy Deputy Secretary Felix Fuentebella, nasa pinakamababang presyo ang krudo simula noong Agosto.
Nababawasan na rin anya ang demand habang dumarami ang supply dahil sa nakaambang ng sanction ng Estados Unidos sa oil exporter na Iran.
Sa ngayon ay nasa $74 per barrel ang presyo ng krudo ng Dubai, pinakamababa mula noong huling bahagi ng Agosto.