Manila, Philippines – Posibleng magpatupad muli ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya sa susunod na linggo.
Maglalaro sa P0.40 hanggang P0.55 ang maaaring itapyas sa presyo ng gasolina at diesel kada litro.
Unang nagpatupad nitong linggo ng P0.90 na rollback sa kada litro ng diesel at halos piso sa gasolina ang mga kumpaniya ng langis.
Ang nakaambang na rollback ay resulta ng paggalaw ng presyuhan sa world market.
Facebook Comments