TATAPYASAN | Singil sa kuryente, inaasahang bababa ngayong buwan – Meralco

Manila, Philippines – Inaasahang ngayong araw ay iaanunsyo ng Meralco ang kanilang bawas singil sa kuryente sa buwan ng Oktubre.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, posibleng nasa labing limang sentimo kada kilowatt per hour ang maging bawas singil.

Aniya, kahit naging mahina ang palitan ng piso kontra dolyar at nagmahal ang presyo ng produktong petrolyo nananatili namang maayos ang supply ng kuryente sa mga planta.


Facebook Comments