TATAPYASAN | Singil sa presyo ng kuryente, posibleng mabawasan dahil sa pagbaba ng sinisingil na system loss charge

Manila, Philippines – Posibleng mabawasan ang presyo ng singil sa kuryente.

Ipinag-utos na kasi ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pagbaba ng system loss cap na sinisingil at ipinapasa ng mga power distributors sa mga konsyumer.

Ayon sa ERC, ang mga private distributors tulad ng meralco ay maari lang sumingil ng hanggang 6.5 percent na distribution system loss ngayon taon.


Samantala, ang mga kooperatiba naman ng kuryente ay maaring sumingil ng hanggang 12 percent ngayong taon ngunit depende pa rin sa kanilang klasipikasyon.

Ang ibang kooperatiba ay kinakailangan na magbaba ng hanggang 8.25 percent sa taong 2022.

Nabatid na ibababa pa ito taun-taon hanggang sa 5.5 percent sa taong 2021.

Sinabi ni ERC Chairperson Agnes Devanadera, layon ng hakbang nila na makatulong sa maliit na paraan sa mga konsyumer na makaagapay sa pagtaas ng halaga ng mga bilihin at serbisyo.

Facebook Comments