TATARGETIN ANG MGA NAGPOPONDO | Pinakamalaking sanctions laban sa North Korea, nakatakdang ipatupad ng Amerika

Amerika – Inihayag ngayon ni US President Donald Trump ang paglunsad ng pinakamalaking sanctions laban sa North Korea.

Ayon kay Trump, gagawa ng panibagong hakbang ang kanilang treasury department para putulin ang sources ng revenue na siyang nagpopondo sa nuclear program ng North Korea.

Target naman ng nasabing panibagong sanctions ay ang 56 ships at maritime transport companies pero hindi binanggit kung saan nakabase ang mga ito.


Matatandana na nasa ilalim na ng international at US sanctions ang North Korea dahil sa kanilang nuclear program.

Facebook Comments