Tatay, binaril ang 11-anyos may sakit na anak saka nagpatiwakal

1002

Patay ang 11-anyos na babae matapos barilin ng kanyang sariling ama saka ito nagpatiwakal sa hinihinalang murder-suicide sa Miami, Florida nitong Lunes.

Ayon sa report ng pulisya, naganap ang krimen sa bahay mismo ng magtatay.

Kwento ng nanay, nakarinig siya ng putok ng baril habang naghahanda ng agahan.

Dali-dali raw siyang tumakbo sa kwarto kung saan tumambad ang kanyang anak at mister na malubha ang lagay.

Dead on-the-spot ang bata habang naisugod pa sa ospital ang tatay na kalauna’y idineklara ring patay.

Ayon pa sa karagdagang report ng pulis, mayroong nakakapanghina at malalang karamdaman ang bata, isa sa nakikitang motibo ng insidente.

Hindi naman naglabas ng pangalan ang pulisya.




Facebook Comments