Tatay, binaril ang barbero nang hindi magustuhan ang gupit sa 13-anyos na anak

Tatlong beses pinagbabaril ng isang lalaki sa Katy, Texas ang barberong gumupit sa buhok ng 13-taon-gulang niyang anak na lalaki.

Hindi umano nagustuhan ng tatay ang buhok ng anak na nagpaggupit sa biktima nitong Disyembre 21, ayon sa KHOU.

Bumalik ang bata sa barbero kasama ang tatay sa parehong araw para magreklamo.


Ayon sa awtoridad, inayos ng biktima ang gupit nang libre ngunit nauwi pa rin sa pagtatalo ang dalawang matanda.

Nang makapasok na sa sasakyan ang bata, binaril ng tatay ang barbero nang tatlong beses sa binti, braso at tiyan.

Nasa ospital at stable na ang lagay ng biktima habang hindi pa natutukoy hanggang ngayon ang suspek.

Napag-alaman lang na black ang lalaki at sakay ng four-door sedan na posibleng Honda Accord, ayon sa County Sheriff’s Office.

Facebook Comments