Tatay, kapatid ng coronavirus patient, nagpunta sa isang school event kahit umano pinagbawalan na

(Shutterstock)

MISSOURI, Chicago – Alinsunod sa patakarang pag-quarantine para sa mga nakakaranas ng sintomas ng coronavirus, hindi pa rin nagpapigil ang mag-ama nang magpunta ang dalawa sa isang event sa eskwelahan ng bata.

Naiulat na ang 20-anyos babae na anak ng naturang tatay at kapatid ng bata ang kauna-unahang nagpositibo sa virus sa Missuori.

Ayon sa St. Louis Post-Dispatch, nanggaling mula Italy ang babae at umuwi sa Chicago noong Marso 2.


Tumawag umano ito sa local health authorities makalipas ang dalawang araw nang makaramdam siya ng ilang sintomas kaya pinayuhan itong manatili lamang sa loob ng bahay hanggang sa pinapunta ito sa ospital.

Ayon kay Dr. Randall Williams ng Department of Health ng lugar, nagpositibo ang babae sa sakit nang makatanggap ito ng tawag tungkol sa resulta ng test bandang ala-1:00pm.

Agad na ibinalita sa pamilya ng babae ang nangyari at pinayuhan ang mga ito na mag-quarantine ngunit hindi umano ito sinunod ng mag-ama.

Ayon sa report, nagpunta pa rin sa isang event sa Oak Hill School ang dalawa para dumalo sa isang father-daughter dance na noon pa umano nakaplano.

Dagdag ng naturang ulat, hindi sumunod ang tatay sa bilin ng departamento.

Dahil dito, agad na kinausap ng mga opisyal ang naturang tatay noong Linggo at binalaang kung hindi susunod ay mapipilitang isabatas ang pag-uutos.

Nagbigay naman ng babala ang eskwelahan sa mga dumalo ng naturang event sa sakaling maramdamang mga sintomas matapos ang nangyari.

Facebook Comments