TATAY MULA ASINGAN PANGASINAN, GINAGAMIT ANG NGIPIN SA PAGBABALAT NG NIYOG

Kinabibiliban ang isang tatay mula sa Asingan, Pangasinan dahil sa kakaiba nitong talento o style sa pagbabalat ng niyog gamit ang kanyang mga ngipin.

Sa video na pinost ng isang netizen tila minamani lamang ng limampu’t walong gulang (58) na si tatay Reynaldo Corpuz Sr. ang pagbabalat ng niyog gamit ang kanyang mga ngipin.

Kuwento mismo ni tatay Reynaldo na diskubre niya ang kanyang kakaibang talento noong apatnapung gulang (40) pa lamang siya.

Ayon pa sa kanya, nagagawa niya magbukas ng dalawa o tatlong niyog sa loob lamang ng isang minuto.

Pinaalahanan naman ng mga dalubhasa ang publiko na huwag itong basta-bastang gagayahin lalo na ang mga bata dahil nagdudulot ito ng trauma sa mga ngipin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments