Tatay na Inireklamo ng Anak dahil sa Pamamalo, Pinalaya!

Cauayan City, Isabela- Pinalaya na kahapon ng PNP Cauayan City ang isang tatay matapos na ireklamo ng kanyang mismong anak dahil sa pamamalo umano nito sa kanya.

Na-dismissed ang isinampang kaso ng PNP Cauayan City na paglabag sa RA 7610 kay Jessie Manipon na taga Brgy. San Faustino, Cauayan City, Isabela.

Ito’y matapos umapela sa prosecutor’s office si Manipon sa pamamagitan ng kanyang legal counsel na si Atty. Gil Viloria Jr. na layon lamang umano ni Manipon na madisiplinahan ang kanyang anak.


Matatandaang noong Pebrero 25, 2020 ng tanghali nang magreklamo sa himpilan ng pulisya ang babaeng anak na menor de edad dahil sa pamamalo ng kanyang ama sa kanyang balikat matapos na hindi makapagpaalam na sumama sa swimming kasama ang mga kapatid.

Nakitaan ng City prosecutor’s office na walang sapat na ebidensya na lumabag sa RA 7610 o nang abuso si Manipon kaya’t pinalaya na ito ng pulisya.

Facebook Comments