Tatay na nagbitin patiwarik sa kanyang anak, labis ang pagsisisi

Labis na nagsisisi ang lalaking nasa viral video matapos ibitin patiwarik ang kanyang anak sa Sta. Rosa Laguna.

Sa video, makikitang ibinitin nang patiwarik sa isang bintana ng suspek na si Melvin Batitis ang kanyang apat-na taong gulang na anak.

Hindi pa siya nakuntento at pinagsasampal at pinagsusuntok pa nito sa ari ang kanyang anak.


Iginiit ni Batitis na hindi siya lulong sa ilegal na droga.

Katwiran ni Batitis – sinadya niyang gawin ito para ipam-blackmail sa kanyang asawa na nang-iwan sa kanila.

Humiling ang suspek na bigyan siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang anak.

Ayon kay Sta. Rosa PNP Chief of Police, Superintendent Eugene Junsay Orate – nasa kustodiya na ng City Social Welfare and Development Office ang bata.

Hinihintay na ang pagdating ng ina ng bata subalit hindi pa sigurado kung ibibigay sa kanya ang pangangalaga sa anak.

Facebook Comments