Tatay na naghabi ng school bag ng anak, viral

108
Image via Sophous Suon on Facebook

Ibinahagi ni Sophous Suon, kung saan ay ang mga larawan ng kaniyang estudyanteng lalaki na may suot na hinabing blue raffia bag nitong Araw ng mga Tatay.

Ayon sa kaniya, wala raw pambili ng school bag ang ama ng bata at naghabi na lamang upang may magamit ito.


Naantig ang puso ng mga netizen at sinabing hanga sila sa pagiging malikhain at mapamaraan ng ama nito.

“Very touching… the bag is the most valuable gift ever from his father for him to go to school. He will understand his father when he grow older. Good father!” ayon kay Dezmond Pang.

Ang iba ay nagsabing pwedeng magtayo ang negosyo ang tatay nito at kanilang susuportahan ito.

“People actually pay for such fashionable work. Hope he has discovered a new source of income,” komento ni Mervin Orbb.

Bumaha naman ng nag-alok na gusto nilang tumulong at mag-donate sa batang lalaki at sa tatay.

Sa kasalukuyan ay mayroon itong 1,400 reactions, 131 comments at 6,000 shares.

Facebook Comments

From Advertisers