Tatay na Nanggahasa ng 2 Anak sa Zambales, Arestado sa Cagayan

54

Cauayan City, Isabela- Nakorner at matagumpay na naaresto ng mga otoridad sa bayan ng Rizal, Cagayan ang isang rapist na ama at itinuturing din na Top 1 Most Wanted Person sa Lalawigan ng Zambales.

Nakilala ang suspek na si Roderick Bologa, 51 anyos, may-asawa, at residente ng Barangay Parel, Botolan, Zambales.

Una rito, nagsanib-pwersa ang mga tauhan ng Tuao Police Station, Rizal Police Station, Cagayan Police Provincial Office, CIDG PFU Zambales, Botolan Police Station, PIU, Zambales PPOSOG2 at RGSC2 upang isilbi ang warrant of arrest laban kay Bologa para sa mga kaso nitong dalawang (2) beses na panggagahasa, Rape by Sexual Assault, at dalawang (2) beses rin na paglabag sa RA 7610.


Walang inirekomendang piyansa ang korte sa mga kasong kinakaharap ni Bologa.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ika-27 ng Pebrero taong kasalukuyan nang abusuhin ng suspek ang 13 taong gulang na dalagitang anak sa pamamagitan ng paghawak nito sa kanyang maseselang bahagi ng katawan.

Nabatid din na ginahasa ng suspek ang nasabing 13 taong gulang na anak noong Oktubre 2020.



Bukod dito, napag-alaman din ng mga otoridad na maging ang 18 anyos na anak ng suspek ay hinalay rin nito noong nakaraang taon.

Nagsimula ang pambababoy ng suspek sa 18 anyos na anak noong nasa pitong (7) taong gulang pa lamang ito.


Ibinyahe na ng mga otoridad si Bologa pabalik sa Zambales para maipasakamay sa provincial jail.

Facebook Comments