Tatay, patay matapos barilin ng 8-anyos na anak

1571

Nasawi ang isang 39-anyos na tatay mula Negros Occidental matapos barilin ng kanyang 8-anyos na anak dahil umano sa pananakit nito kapag nalalasing.

Ayon sa pulisya, umuwing lasing ang biktima saka pinagalitan at sinipa sa mukha ang anak nang maabutang nilalaro nito ang kanyang .38 de-kalibreng baril.


Dito na umano nagsimulang magpaputok ang bata at tumama sa dibdib ng kanyang ama na agad naman nitong ikinasawi.

Matapos ang pangyayari, nagtungo raw ang bata sa kwarto at nagkulong.

Batay sa imbestigasyon, marunong gumamit ng baril ang bata dahil lumaki itong tinuruan ng kanyang tatay.

Habang iniimbestigahan ang insidente, nasa kustodiya na ng social welfare ang naturang anak.

Facebook Comments

From Advertisers