Tatay, patay nang mahulog habang nagkakabit ng Christmas lights sa bubong

1577

RHOME, Texas – Nasawi ang isang 39-anyos na tatay nang mahulog habang nagkakabit ng Christmas lights sa bubong ng kapitbahay, noong Sabado, Disyembre 7.


Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at dibdib si Felipe Gallegos nang makita siya ng asawa at anak na nakahandusay na sa lapag habang humihingi ng tulong.

Ayon kay Alisha Gallegos, nasa bubong ang asawa nang bigla silang nakarinig ng malakas na kalabog.

“I got over to him and he was laying on the concrete saying, ‘help me help me’, so I called 911,” aniya.

Agad na isinugod sa ospital si Felipe pagdating ng ambulansya sa pinangyarihan ng insidente.

Sumailalim sa CAT scan ang biktima kung saan nasurian ito ng skull fracture, pagdurugo sa ulo at chest fracture.

Isinailalim si Felipe sa operasyon ngunit makalipas ang ilang sandali ay binawian ito ng buhay.




Labis ang pagdadalamhati ng pamilya ng biktima sa nangyari.

Kwento ng kanyang asawa, matulungin at mabuting tao si Felipe.

“He always had a smile on his face, and he was always goofy and he was always making everybody laugh. He would do anything for anybody,” saad niya.

Samantala, mayroon umanong pinatatakbong business si Felipe at tuwing Disyembre ay abala raw ito sa pagkakabit ng Christmas lights sa mga bahay-bahay bilang sideline.

Facebook Comments