Tatay, pinagbabaril sa ulo sa harap mismo ng 3 mga anak

2750

Patay ang isang 44-anyos na tatay matapos pagbabarilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek sa harap mismo ng kanyang tatlong anak sa bayan ng Makilala, North Cotabato.


Ayon sa ulat ng Makilala Police, alas 6:30 ng gabi nang mangyari ang insidente na ikinasawi ng biktimang si Democracy Trinidad Doctolero.

Nasa bayan daw noon ang biktima kasama ng kanyang mga anak para bumili ng litsong manok.

Bigla na lang daw sumulpot ang isang motorsiklo sakay ng mga hindi kilalang suspek habang naghihintay sa puwesto ang mag-anak.

Agad daw pinaputukan ng cal. 45 pistol sa ulo ang biktima at mabilis na tinakasan ng mga suspek.

Samantala, naiwan namang duguan ang ama ng tatlo na umano’y yakap ng mga ito habang nakabulagta.

Patuloy namang inaalam ng pulisya ang tunay na motibo ng pagpaslang.




Facebook Comments