Tatay, pinatay sa saksak ng kainumang anak

556

MANILA, Philippines — Sawi ang isang 46-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin ng sariling anak na napikon umano sa gitna ng inuman sa Cavite City.

Kinilala ang biktima na si Jerry Roma Asero Sr., garbage collector at residente ng Brgy. 48-A, San Antonio.

Sumuko naman sa rumespondeng pulisya ang anak nitong si Jerry Quirimit Asero Jr., 23, kapwa garbage collector, na nahaharap sa kasong parricide.

Batay sa imbestigasyon, bandang alas-10:30 nitong Lunes ng gabi at parehong lasing na ang mag-ama nang masermunan ng biktima ang anak.

Nakipagtalo umano ang anak hanggang sa kumuha ito ng patalim at pinagsasaksak ang tatay.

Naitakbo pa sa ospital ang biktima, subalit idineklara ring dead on arrival.

Facebook Comments