Tatay sa England, inatake sa puso matapos batuhin ng 2 binatilyo habang nasa gitna ng away

393

Atake sa puso ang ikinamatay ng 66-anyos na tatay mula England matapos umanong batuhin ng 2 binatilyong nakasagutan nito.

Pinaniniwalaan ng mga pulis na nagtalo sina Charlie Hilder at ang dalawang lalaki noong umaga ng Huwebes bago mangyari ang insidente.


Una umanong naganap ang sagutan sa isang bangko malapit sa lawa at nasundan ng argumento sa isang car park kung saan tinantanan na ng dalawa ang biktima.

Sumugod ang paramedics nang bigla raw hinimatay at bumagsak sa sahig si Hilder dakong 5:50 pm.

Idineklara siyang dead at the scene at lumalabas sa eksaminasyon noong Lunes na siya ay nasawi dahil sa heart attack.

Patuloy namang pinaghahanap ang dalawang lalaki na nakasagutan ng biktima na naiulat na nasa edad 11 at 18.




Facebook Comments