Humantong sa mapait na krimen ang pagtatalo ng mag-tatay sa Brgy. Tiagan, San Emilio, Ilocos Sur.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya at saksi, una umanong nakipag-inuman ang biktima sa kanilang kapitbahay.
Nang umuwi sa kanilang bahay ay dito nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at suspek na siyang tatay nito. Sinakal umano ng biktima ang suspek kaya naman nagawa nitong saksakin ng ilang beses ang biktima.
Nagtamo ng tama ng saksak sa tiyan at kanang hita ang biktima at agad na isinugod sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Samantala, agad naman naaresto ang suspek at haharap sa kaukulang kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









