Tatay sa New York, pinatay ng sariling anak sa loob ng bahay habang naka-lockdown

5762

Arestado ang isang lalaki mula New York dahil sa kasong pagpatay sa kanyang sariling ama habang nasa loob ng kanilang bahay dahil sa coronavirus lockdown.

Natagpuan ang katawan ng 57-anyos na biktima na si Imad Ahmad sa loob ng kanyang bahay sa Dyker Heights, Brooklyn bandang 4:20 am noong Miyerkules ayon ng New York Police Department.


Kinumpirma ng spokesperson ng NYPD na maraming saksak sa katawan ang ikinamatay ng biktima.

Base sa report ng New York Post, mismong ang anak ni Ahmad na si Khaled Ahmad ang nagsumbong sa awtoridad tungkol sa ginawang krimen.

Duguan daw nang magtungo ito sa isang bagel shop at sinabi sa mga pulis, “I killed my father.”

Agad na pinosasan ang 26-anyos na suspek at dinala sa 68th Precinct stationhouse para sa mga katanungan at kalauna’y nasampahan ng kasong murder and criminal possession of a weapon.



Dagdag ng mga pulis, patuloy naman nilang pinaghahanap ang iba pang parte ng katawan ng biktima.

Samantala, naiulat na ang suspek ay mga kasaysayan ng mental illness.


Facebook Comments