Tatay, tinaga ng sariling anak dahil sa biruan

Binalbagan, Negros Occidental – Hindi inakala ng isang ama na tatagain ito ng sariling anak dahil lamang sa biruan.

Ang biktima ay nakilalang si Jubono Animancio, 42 yrs. old at naninirahan sa Brgy. Bi-ao, bayan ng Binalbagan.

Ayon sa imbestigasyon ng Binalbagan PNP, ang nangyari, binibiro ng biktima ang kanyang apo na anak naman ng suspek kung saan sa hindi malamang dahilan, nagalit ito at bigla na lamang na pinagtataga ang kanyang ama.


Nagtamo ng sugat sa kanyang kaliwang paa ang biktima at patuloy sa ngayong ginagamot sa Western Visayas Regional Hospital.

Facebook Comments