Manila, Philippines – Posibleng magbalik sa impeachment court si dating Senador Juan Ponce Enrile.
Ayon kay Oriental Mindoro Representative Reynaldo Umali, maaaring maging bahagi si Enrile ng prosekusyon laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Si Enrile ang dating presiding judge sa impeachment trial ni noo’y Chief Justice Renato Corona.
Sinabi pa ni Umali, sakaling matuloy si Enrile ay tatayong adviser ng prosecution panel.
Bukod kay Enrile, marami pa aniyang mga abogado ang nagboluntaryong maging bahagi ng prosecution panel, kabilang na ang ilang miyembro ng defense team noon ni Corona.
Gayunman, kailangan pa itong aprubahan ng speaker at majority leader ng mababang kapulungan ng kongreso.
Facebook Comments