Tatlo, arestado nang nilusob ng PDEA ang isang drug den sa Bataan

Tatlong suspek ang naaresto at tinatayang nasa P68,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang drug den raid sa Barangay Pantalan Luma, Orani, Bataan.

Isinagawa ang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office.

Kinilala ng PDEA ang mga suspek bilang sina alyas “Dungo”, 47-anyos na umano’y operator ng drug den, 45-anyos na si alyas “Hary”, at ang 48-anyos na si alyas “Rence”.

Narekober mula sa kanila ang anim na plastic sachet na naglalaman ng humigit kumulang 10 grams ng hinihanalang shabu, assorted paraphernalia, at buy-bust money.

Ayon sa PDEA, naisakatuparan ang operasyon matapos makatanggap ng tip mula sa isang concerned citizen.

Katuwang ng PDEA Bataan Provincial Office sa operasyon ang PDEA Bataan Seaport Interdiction Unit, Orani Police Station, at ang Bataan Provincial Police Drug Enforcement Unit.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments