Tatlo, arestado sa ikinasang Oplan Galugad sa Manila North Cemetery

Nadakip sa isinagawang Oplan Galugad sa Manila North Cemetery ang tatlong kalalakihan bilang bahagi ng paghahanda para sa Undas.

Ayon kay PCapt. Ferdie Cayabyab ng Manila Police District Station-3, nagsagawa sila ng operasyon matapos makatanggap ng ulat hinggil sa presensiya ng mga kahina-hinalang indibidwal na tumatambay sa loob ng sementeryo.

Kabilang sa nagkasa ng operasyon ay ang bagong director ng Manila North Cemetery na si Dandan Tan at mga tauhan mula sa Station 3.

Karamihan sa mga dinala sa presinto ay mga sepultorero na pansamantalang naninirahan sa paligid ng sementeryo.

Isinagawa ang operasyon upang matiyak ang seguridad at kaayusan sa mga sementeryo bago ang Undas.

Nasa 30 tao naman ang isinailalim sa profiling kung saan pinauwi rin sila matapos makumpirma na residente sila ng nasabing sementeryo.

Facebook Comments