Tatlo, arestado sa iligal na droga sa Pasay City

Kalaboso ang tatlong indibidwal sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. 176, Malibay, Pasay City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Randy Astapan, Arci Aragon at babaeng kasabwat nila na si Crista Manuel, pawang mga nasa drug watchlist ng pulisya.

Ikinasa ang operasyon laban kay Astapan matapos makatanggap ng impormasyon na talamak itong nagbebenta ng iligal na droga sa area ng Malibay, maging ang dalawang kasabwat nito.


Nasakote ang mga suspek sa No. 143 Ascano Street sa Brgy. 176 kung saan nakuha sa kanila ang tatlong sachet ng shabu na may bigat ng higit tatlong gramo at nagkakahalaga ng higit ₱22,000.

Inaalam na ngayon ng pulisya kung sino ang source ng tatlo sa mga ibinebenta nilang iligal na droga habang aminado sila na nagtutulak dahil sa pare-parehong walang trabaho.

Facebook Comments