Tatlo hanggang 3.4 milyong metrikong tonelada ng palay, nasasayang kada taon sa bansa ayon sa dating kalihim ng DA

Nababahala si dating Department of Agriculture (DA) Secretary at ngayon ay Federation of Free Farmers (FFF) Board Chairman Leonardo Montemayor sa mga nasasayang na palay kada taon sa bansa.

Ayon kay Montemayor, hindi bababa sa 10 hanggang 15 porsiyento ng ani ng palay o katumbas ng 3 hanggang 3.4 milyong metrikong tonelada ng palay ang nasasayang taun-taon sa post-harvest operations.

Binigyang-diin ni Montemayor na dapat magbigay ang pamahalaan ng mga drying facility upang mabawasan ang pagkalugi pagkatapos ng ani.


Giit pa ni Montemayor na dapat bigyang-pansin ng DA ang babala ng posibleng kakulangan sa bigas sa susunod na taon.

Facebook Comments