Ibinunyag ni Department of Justice (DOJ) Sec. Crispin Remulla na nasa tatlo hanggang apat ang utak sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Ayon kay Remulla, nagsabwatan ang naturang masterminds para ilikida si Degamo.
Tumanggi muna si Remulla na tukuyin ang mga iniimbestigahan nilang masterminds habang patuloy nilang ini-evaluate ang testimonya ng mga suspek.
Una nang bumuo ang Malakanyang ng inter-agency task force na tututok sa Degamo killings.
Kasama ng DOJ sa binuong grupo ang National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), Department of the Interior and Local Government (DILG), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Office of the Executive Secretary.
Si Interior Secretary Benhur Abalos aniya ang inatasan na mamuno sa grupo.