Tatlo katao, arestado sa anti-drug operation sa Makati

Manila, Philippines – Arestado ang ilang indibidwal matapossalakayin ng mga ahente ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency ang isanglugar na lungga ng mga adik at tulak sa Cembo, Makati City.
  Kabilang sa mga dinakip ang isang ‘Alyas Dikya’ at JaimeBanzon na sinasabing nahulihan pa ng shabu habang isang ginang naman angnagwala, pumalag at pinagmumura pa ang mga operatiba makaraang arestuhin ng mgaawtoridad.
  Ayon sa PDEA, target ng isinilbi nilang search warrant si‘Alyas Dikya’ sa Sampaloc Street, Brgy. 23 habang tinutugis naman ang isa pangdrug suspect na isang Alyas ‘Bondying’.
  May ilang indibidwal din na dinampot ng mga ahente ngPDEA at isasailalim pa ang mga ito sa masusing verification.

Facebook Comments