TATLO KATAO NA NAGPASA NG COC SA PANGASINAN, IDINEKLARANG NUISANCE CANDIDATE NG COMELEC

Kamakailan, inilabas na ng Commission on Elections o COMELEC Pangasinan ang pinal na listahan ng mga sasabak sa Halalan 2025 sa paparating na 12 ng Mayo.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay COMELEC Pangasinan Election Supervisor Atty. Ericson Oganiza, tatlo katao umano nafile-an ng petisyon upang ma-ideklarang nuisance candidate.

Dahil dito, hindi sila isinama sa pinal na imprenta ng balotang gagamitin sa halalan.

Dagdag pa riyan, hindi na umano makakaapela ang mga concerned candidates na idineklarang nuisance dahil mayroon na silang certificate of finality.

Sa kabilang banda, aabot sa 1.2 milyong boto ng mga pangasinense ang susubukang ligawan ng mga kandidato. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments