TATLO KATAO, PATAY SA MAGKAKAHIWALAY NA INSIDENTE NG PAGKALUNOD SA ILANG POOK PASYALAN SA PANGASINAN

Hindi pa man pormal na nag uumpisa ang mahaba-habang bakasyon dahil sa Holy Week ay tatlo agad ang naitalang namatay sa magkakahiwalay na insidente ng pagkalunod sa ilang pook pasyalan sa Pangasinan.
Unang nalunod ang Isang Nestor Ubano residente ng bayan ng Asingan kung saan ay nalunod ito matapos mahulog sa tumaob na nirerentahang banana boat sa isang resort sa bayan ng Anda pasado alas otso ng umaga nitong sabado.
Sunod namang nalunod ang Isang siyam na taong gulang na batang babae mula Makati city. Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na naligo sa isang resort sa bayan ng Bolinao ang biktima kasama ang dalawa na kapwa Menor de edad ng biglang nalunod ito. Bagamat naiahon agad ang katawan nito ay idineklara naman itong Dead on Arrival sa pagamutan.

Samantala Patay din matapos Malunod sa swimming pool ang isang binata na mula naman sa Angeles City Pampanga. Nalunod naman ito matapos naligo sa swimming pool pagkatapos ng inuman kasama ang kanyang mga bisita.
Sa ngayon ay patuloy ang paalala ng mga otoridad ng ibayong pag iingat lalo at padating pa lamang ang long Weekend na dulot ng Semana Santa. |ifmnews
Facebook Comments