TATLO KATAO, SUGATAN SA PANANAKSAK NG LASING SA DAGUPAN CITY

Sugatan ang tatlo katao matapos silang pagsasaksakin ng isang lasing na lalaki sa lungsod ng Dagupan.

Nakilala ang mga biktima na sina Allan Quitalig, Jhon Quitalig, at Harim Lagao, samantalang ang suspek ay nakilalang si Oliver Manaois, mga residente ng Malued District sa Dagupan City.

Sa impormasyong nakalap ng iFM Dagupan, nakaupo sa kanilang lugar ang mga biktima ng dumating ang suspek na lasing at agad na sinaksak si Allan Quitalig, habang nadamay ang dalawang biktima ng subukang umawat at ngunit sila rin ay pinagbuntungan ng galit ng suspek at pinagsasaksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Agad naisugod sa pagamutan ang mga biktima habang naaresto naman ang suspek ng PNP sa isinagawang hot pursuit operation. |ifmnews

Facebook Comments