Umaabot sa tatlong indibidwal ang nasawi sa nangyaring pagbagsak ng puno ng Balete sa Estero de Magdalena malapit sa kanto ng Recto Avenue at Reina Regente na sakop ng Binondo, Maynila.
Ang mga nasawi ay nakillang sina Edsel Landsiola na pangalawang nailabas mga rescuers at mag-amang sina Jomar Portillo at anak ma si John Mark, 2 taong gulang.
Nabatid na ang bata ay walang buhay nang ilabas habang nasawi naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang dalawa.
Unang nailigtas ang isang 13-anyos na dalagita na si Kathleen kasama ang ama nito na si Reynaldo Caparangan na kapitbahay ng mag-ama.
Ayon sa mga tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), nangyari ang insidente bandang alas-12:30 ng madaling araw kung saan mag-alas-3:00 ng madaling araw ng rumesponde ang mga rescuer at alas-7:33 ng umaga nang mailabas lahat ng biktima.
Hindi pa naman mabatid kung ilang bahay ang nadamay at kung anong dahilan mg pagbagsak ng nasabing puno.