Tatlo pang BuCor official, sinuspinde ng Ombudsman

Tatlo pang matataas na opisyal ng Bureau of Corrections ang pinatawan ng preventive suspension ni Ombudsman Samuel Martires.

 

Kasunod pa rin ito  ginagawang imbestigasyon ng Anti-Graft body sa implementasyon ng Good Conduct Time Allowance o GCTA.

 

Sa inilabas na kautusan ni Ombudsman Martires, kabilang sa mga pinatawan ng anim na buwan na suspensyon without pay ay sina Atty. Frederick Anthony Santos, Chief Legal Division BuCor, Joel Nalva, Corrections Officer 3 bucor, at Superintendent Maria Fe Marquez.


 

Kasunod nito, inaatasan ng Ombudsman ang Department of Justice na ipatupad ang kaniyang kautusan laban sa mga opisyal ng BuCor.

 

Binibigyan din ng limang araw ng Ombudsman ang DOJ para magpakita ng compliance  sa pagpapatupad ng kautusan.

 

Dahil sito, mula sa dalawamput-pito na nauna ng pinatawan ng preventive suspension aabot na ngayon sa tatlumpu ang sinuspinde ng Ombudsman.

Facebook Comments