Tatlo pang lugar sa QC, inilagay sa special concern lockdown

Tatlong lugar ang nadagdag sa mga inilagay sa special concern lockdown sa Quezon city matapos makitaan ng mataas na bilang ng COVID-19 cases.

Dahil dito, labing isang lugar na ang isinailalim sa special concern lockdown kabilang ang

55 Serrano Laktaw, sa Doña Aurora


68 Iriga St., sa San Isidro Labrador

26 Simoun St., sa San Isidro Labrador

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Quezon City, sa halip na mag-total lockdown ng buong barangay, tututukan nila ang mga lugar sa loob nito na may clustering ng mga kaso ng COVID-19.

Ang Barangay Krus na Ligas na dating may record na zero COVID ay mayroon nang 80 kaso.

Naka-lockdown din ang bahagi ng 72 Fulgencio St., Sitio Lambak sa nabangit na barangay.

Pinkamatamaas pa rin ang COVID-19 sa Barangay Batasan Hills na mayroong 450.

Sinusundan ito ng mga sumusunod:

Commonwealth – 309
Pasong Tamo – 303
Culiat – 271
Holy Spirit – 265
Tatalon – 224

Facebook Comments