Tatlo pang punong barangay, iniimbestigahan ng DILG dahil sa mga nangyaring superspreader event sa kanilang lugar

Tatlo pang barangay chairman ang iniimbestigahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa mga nangyaring superspreader event sa kanilang mga lugar.

Kinilala ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga Punong Barangay na sina Ireneo Cabahug ng Barangay Matabungkay, Lian, Batangas; Bobby Daquioag ng San Mariano, Sta. Marcela, Apayao, at Franklyn Ong ng Kasambangan, Cebu City.

Si Cabahug ay nabigo umanong ipatupad ang minimum public health standards sa mga turistang bumisita sa beach resort sa Barangay Matabungkay, Batangas.


Si Daquoag naman ay dumalo sa isang kasal at wedding reception sa San Mariano, Apayao sa panahong nasa ilalim ang probinsiya sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Si Ong naman ay iniimbestigahan sa magkahiwalay na superspreader events sa F-bar at Café and Simatra Café sa Kasambangan, Cebu City.

Posibleng maharap ang mga nabanggit na punong barangay sa gross neglect of duty, negligence, serious misconduct, and violation of Republic Act No. 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Facebook Comments