Umabot na sa 40 ang pagkakakilanlan sa 50 sundalong nasawi sa pagbagsak ng C130 aircraft ng Philippine Air Force (PAF) sa Sulu noong July 4, 2021.
Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Ramon Zagala na 3 pang labi ng sundalo ang makikilala batay sa examination na ginawa ng Police Regional Office 9 Crime Laboratory.
Ang kinilalang tatlong bangkay ng sundalo ay sina Corporal Jemmar Mondido, Private First Class Lester Al Lagrada at Private First Class Bensheen Sabaduquia.
Kasalukuyan nang ipinoproseso ang pagbiyahe ng mga nakilalang labi ng sundalo at naipaalam na sa pamilya nito.
Sampung labi ng sundalo ang kasalukuyan na kinikilala ng awtoridad at tinitiyak ng AFP na maibabalik din ang mga ito sa kani-kanilang mga pamilya.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang AFP sa pamilya ng tatlo nilang kasamahan at tiniyak na makakatanggap ng tulong ang pamilyang naiwan.